Bagyo sa labas ng PAR lumakas pa

Bagyo sa labas ng PAR lumakas pa

August 30, 2022 @ 9:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumakas pa ang Bagyong Hinnamnor habang papalapit pa ito sa Philippine area of ​​responsibility (PAR), ayon sa datos mula sa U.S. Joint Typhoon Warning Center (JTWC).

Base sa JTWC bulletin, ang bagyo ay may maximum sustained winds na umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 230 kilometers.

Ang bagyo ay kasalukuyang nasa itaas ng Pacific Ocean, hilagang silangan ng PAR at patungo sa vicinity ng Japan.

Ang isang tropical cyclone na may pinakamataas na bilis ng hangin na lampas sa 185 kph o higit sa 100 knots ay maaaring ituring na isang super typhoon, batay sa sistema ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng state weather bureau na direktang tatama ang bagyo sa Taiwan o Southern Japan at maaari lamang magtagal sa Philippine Sea bago lumabas ng PAR.

Sinabi ng PAGASA na maaaring makarating si Hinnamnor sa PAR sa Miyerkules o Huwebes at tatawagin itong Gardo kapag ito ay pumasok sa bansa. RNT