Bagyong “Agaton”, nag-landfall sa Guiuan, Eastern Samar!

Bagyong “Agaton”, nag-landfall sa Guiuan, Eastern Samar!

April 10, 2022 @ 10:57 AM 3 months ago


NAG-LANDFALL na ang Bagyong Agaton sa Calicoan Island sa Guiuan, Eastern Samar kaninang alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa PAGASA, kaninang alas-7:00 ng umaga ay huling namataan ang bagyo sa 11.0°N, 125.9°E sa katubigan ng Guiuan.

Nananatiling mabagal ang kilos ng bagyo sa 10 km/h taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 105 km/h.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City);

  • southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita)

  • northeastern portion ng Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa)

Signal No. 1 naman sa:

  • nalalabing bahagi ng Eastern Samar

  • nalalabing bahagi ng Samar

  • Northern Samar

  • Biliran

  • Natitirang bahagi ng Leyte

  • Southern Leyte

  • northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon) kabilang ang Camotes Islands

Ayon sa PAGASA, asahan na ang malalakas at paminsan-minsang mas malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Dinagat Islands.

Katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan naman ang iiral sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol at Cebu.

Habang mahihina hanggang sa katamtamang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Romblon, Northern Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas at Caraga. RNT/ JCM