Bagyong Domeng, lalakas pa

Bagyong Domeng, lalakas pa

June 10, 2018 @ 8:41 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Ayon sa PAGASA may posibilidad pang lumakas ang bagyong Domeng (international name Maliksi) bago pa man ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ng PAGASA ang mata ng bagyo sa 855 km east northeast ng Basco, Batanes na nagtataglay ng lakas na 100 kph at bugso na umaabot ng 120 kph.

Patuloy na mararamdaman ang lakas ng bagyo sa Luzon habang magdudulot naman ng pabugso-bugsong ulan dala ng habagat sa Visayas. (Remate News Team)