Bagyong ‘Florita’ magpapaulan sa Hilagang Luzon

Bagyong ‘Florita’ magpapaulan sa Hilagang Luzon

June 29, 2018 @ 9:20 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility na pinangalanang Bagyong ‘Florita’

Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 946 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 na kilometro kada oras.

Inaasahang kikilos ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras at patungong Silangan ng Taiwan at Timog ng Japan.

Bagamat hindi ito direktang makaapekto sa bansa dahil hindi ito tatama sa lupa, hahatakin pa rin nito ang Habagat na siyang magdadala ng pag-ulan sa dulong Hilagang Luzon ngayong weekend.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay mananatiling maganda ang panahon. (Remate News Team)