Bagyong Florita, mas lumakas pa

Bagyong Florita, mas lumakas pa

June 29, 2018 @ 12:23 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Lumakas na at naging ganap na Tropical Storm ang bagyong Florita.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 11 kph at inaasahang palalakasin ang Habagat na makaaapekto sa Hilagang Luzon.

Ayon sa abiso ng PAGASA, walang itataas na tropical cyclone warning sa ngayon pero manatiling nakatutok sa kanilang weather bulletin. (Remate News Team)