Manila, Philippines – Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o Miyerkoles ng umaga ang bagyong Gardo.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 635 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes at tinutumbok ang Hilagang Taiwan.
Nananatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong pumapalo sa 210 kilometro kada oras.
Wala pa ring epekto sa bansa ang bagyo pero palalakasin nito ang habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, partikular na ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Northern Palawan at Romblon
Asahan naman hanggang Miyerkoles ang pabugso-bugsong pag-ulan sa Metro Manila, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, at Southern Luzon
Samantala, patay naman ang isang babae dahil sa pagbaha sa Laoag City, Ilocos Norte.
Nalunod si Jenny Simeon, 35-anyos, makaraang mahulog sa irigasyon sa naturang lugar matapos atakihin umano ng kanyang epilepsy. (Remate News Team)