Bagyong Gardo, parating na

Bagyong Gardo, parating na

July 4, 2018 @ 7:12 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Parating na ang ikapitong bagyo sa bansa na inaasahang lalakas pa habang nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, mabagal ang pagkilos ng sama ng panahon kaya tinatayang makakaipon ito ng pwersa sa habang nasa Pacific Ocean.

Huling namataan ang bagyong pinangalanang Gardo sa layong 2,235 kilometro sa Silangan ng Visayas.

Nasa labas pa si Gardo ng Philippine area of responsibility (PAR), taglay ang lakas ng hanging 60 kph at may bugsong 75 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa napakabagal na pag-usad. (Nenet L. Villafania)