Manila, Philippines ā Bahagyang bumilis ang Bagyong Henry at inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.
Sa abiso ng PAGASA kaninang alas-5 ng hapon, huling namataan ang Tropical Depression sa 180 kilometro ng Silangan- Timog Silangan ng Calayan sa Cagayan, na may lakas ng hangin na 60 kilometro kada oras at pagbugso na 75 kilometro kada oras.
Nananatiling nakataas ang Signal number 1 sa BatanesĀ at sa Hilagang bahagi ng Apayao,Ā Ilocos Norte at Cagayan kabilang na ang Babuyan Island.
Nasa ilalim naman ng yellow rainfall warning ang Bataan, Cavite at Batangas kung saan possible ang pagbaha sa mga mababang kalupaan.
Inaasahan ding mapapalakas ng bagyong Henry ang Hanging Habagat na posibleng magdala ng minsanang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan, at Western Visayas.
Ang Henry na ang ikalawang bagyong pumasok sa PAR ngayong buwan na nagdulot ng mga pagbaha at kanselasyon ng klase.
Isang Low Pressure Area naman ang namataan sa 1,070 kilometrong layo mula sa Silangan ng Infanta, Quezon kaninang alas-1 ng hapon. (Remate News Team)