Manila, Philippines – Aabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura na dulot ng Tropical Storm Henry at Habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nakapagtala sila ng P2.9 milyong pinsala at possible pang lumaki sa patuloy na pagpapadala ng impormasyon ng mga local na tanggapan. ]
Nasa 116 na barangay naman ang binaha sa Metro Manila, Central Luzon, CALARBARZON at MIMAROPA kung saan 142 ang siyudad at munisipalidad naman ang nagsuspinde ng klase ngayong Miyerkoles. (Remate News Team)