Bagyong Inday, halos hindi gumagalaw, habagat patuloy na magpapaulan sa Luzon

Bagyong Inday, halos hindi gumagalaw, habagat patuloy na magpapaulan sa Luzon

July 19, 2018 @ 8:58 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na palalakasin ng bagyong Inday ang southwest monsoon o habagat sa Luzon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Namataan ang bagyo sa 840 kilometers silangan ng Basco, Batanes na mayroong taglay na hangin na nasa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at bugso na 80 kph at sinabing halos hindi gumagalaw, ayon sa ulat ng PAGASA, Huwebes ng umaga (July 19).

Asahan ang pag-ulan na dala ng habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bataan, Zambales, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Makararanas din ng panakanakang pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa habagat.

Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan ang Visayas at Mindanao na mayroong kaunting pag-ulan.

Nagpaalala naman ang PAGASA na patuloy na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide sa lahat ng lugar.

Ang tubig naman sa baybayin ng central Luzon at iba pang bahagi ng silangan ng northern Luzon ay rough to very rough, sa iba pang bahagi ng Luzon ay moderate to rough at very moderate to rough at moderate naman para sa Visayas at Mindanao. (Remate News Team)