Bagyong Inday lumakas pa

Bagyong Inday lumakas pa

September 10, 2022 @ 1:27 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas lumakas pa at ngayon ay nasa typhoon level na ang Bagyong Inday.

Ito ang ibinalita ng PAGASA sa huling advisory kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso na 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahang mas lalakas pa ang bagyo habang binabaybay ang Philippine Seaa hanggang bukas o sa Lunes, Setyembre 12.

Posible rin umano na mapalakas nito ang habagat na magpapaulan sa western section ng southern Luzon at western portion of Central Luzon. RNT/JGC