Bagyong Inday nakalabas na…Pumasok na LPA, posibleng maging bagyo

Bagyong Inday nakalabas na…Pumasok na LPA, posibleng maging bagyo

July 21, 2018 @ 8:35 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa paglabas ng bagyong Inday sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang ala-1 ng madaling, pumasok naman sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area.

Huli itong namataan sa layong 270 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at inaasahang maging bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras at tatawing ‘Josie’.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagdadala ng pag-ulan ang Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales at Bataan.

Minsanang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON at nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon.

Asahan naman ang magandang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon habang ganun din sa Visayas at Mindanao pero may ilan lang na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 905 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.

Patungong Japan na ang naturang bagyo. (Remate News Team)