Bagyong #JennyPH lumakas habang palabas ng PAR

Bagyong #JennyPH lumakas habang palabas ng PAR

August 28, 2019 @ 11:42 AM 3 years ago


Manila, Philippines-Sa paglabas ng bansa ni bagyong #JennyPH, muli itong lumakas mula tropical depression ay naging tropical storm ito habang binabagtas ang ating karagatan.


Sa inilabas na update ng PAG-ASA ngayong alas onse ng umaga. Nasa layong 305 km West Northwest ng
Dagupan City, Pangasinan o 290 km West of Sinait, Ilocos Sur ang mata ng bagyo.

Gumagalaw naman ito pa West Northwest sa bilis na 40 kph at lakas na 65 kph at bugso na aabot sa 80 kph. Lumakas man ay ibinaba na ng PAG-ASA ang lahat ng TCWS sa buong bansa.

Inaaasahan na sa pagitan ng 11:00 AM at 2:00 PM lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang naturang bagyo. Remate News Team