Manila, Philippines –Lumakas pa ang Tropical Depression Josie habang papalapit ito sa Ilocos Norte.
Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, posibleng maglandfall ang bagyong Josie sa bisinidad ng Ilocos Norte sa susunod na anim hanggang labindalawang oras.
Huli itong namataan 85 kilometrong layo mula sa Kanluran ng Laoag City at taglay ang hanging may lakas na 55 kilometer per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 65 kph patungong Silangan, Timog Silangan sa bilis na 15 kph.
Dahil dito, mararamdaman ang malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Tarlac, Central Luzon, at Nueva Ecija.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Batanes. Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Apayao at Hilagang bahagi ng Abra.
Kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na ulan ang inaasahan sa Metro Manila, Calabarzon (Region 4-A) at nalalabing bahagi ng Luzon. (Remate News Team)