Bagyong Karding, bumagal, lalabas ng bansa sa Sabado – PAGASA

Bagyong Karding, bumagal, lalabas ng bansa sa Sabado – PAGASA

August 9, 2018 @ 12:55 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Bumagal ang galaw ng bagyong Karding habang patungo itong hilangkanluran, ayon sa update ng PAGASA ngayong Huwebes.

Ayon sa PAGASA alas-10 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa 1,200 km silangan ng Basco, Batanes dala ang lakas ng hangin na nasa 65 km/h malapit sa gitna at bugso na 80 km/h.

Hindi tatama sa lupa ang bagyo at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.

Samantala, palalakasin ng bagyong Karding at ng Low Pressure Area (LPA)  na natagpuan sa West Philippine Sea ang habagat na magdudulot ng kalat kalat na pag-ulan sa Northern at Central Luzon lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon simula sa Biyernes.

“Residents of these areas, especially those living near river channels, in low-lying areas, and in mountainous areas, are advised to take appropriate actions against possible flooding and landslide, coordinate with local disaster risk reduction and management offices, and continue monitoring for updates,” ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa labas ng PAR, 950 km kanluran ng northern Luzon, ayon sa PAGASA. Remate News Team