Bagyong Karding bumilis – PAGASA

Bagyong Karding bumilis – PAGASA

September 23, 2022 @ 6:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mas bumilis pa ang galaw ni Tropical Storm Karding habang kumikilos sa direksyong pa-kanluran.

Sa huling ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo 1,235 kilometro silangan ng Hilagang Luzon at mayroong taglay na lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro kada oras at inaasahang magla-landfall sa Hilagang Luzon.

Dahil dito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, CALABARZON, Bataan, Mindoro, Bicol Region, Marinduque, Romblon at hilagang bahagi ng Palawan dahil sa southwest monsoon o Habagat.

Magkakaroon rin ng mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC