Bagyong Karding, hindi gumagalaw, bahagyang lumakas

Bagyong Karding, hindi gumagalaw, bahagyang lumakas

August 8, 2018 @ 2:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi gumagalaw sa Philippine sea at bahagyang lumakas ang bagyong Karding ngayong Miyerkules (August 8), ayon sa 11 a.m. advisory ng PAGASA.

Huling namataan dakong 10 ng umaga ang gitna ng bagyong Karding sa 1,135 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Dala nito ang hangin na may lakas na 60 km/h malapit sa gitna at bugso na 75 km/h.

Sanabi rin ng PAGASA na hindi tatama sa lupa ang bagyo habang wala namang itinaas na tropical cyclone warning signals sa bansa.

Gayunpaman, palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng kalat kalat na pag-ulan hanggang sa malakas na ulan sa hilaga at central Luzon lalong lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa simula Biyernes.

Inaasahang lalabas ang bagyong Karding sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado. Remate News Team