Bagyong Karding, humina pa

Bagyong Karding, humina pa

September 26, 2022 @ 1:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Humina pa ang bagyong Karding batay sa huling ulat ng PAGASA ngayong Lunes, Setyembre 26.

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Karding sa layong 230 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan at may taglay na lakas ng hangin na 130 kilometro kada oras.

Mayroon naman itong pagbugso ng hangin na aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Apat na lugar na lamang ang nasa ilalim ng banta ng bagyo.

Ang mga lugar na nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ay ang:

Central and western portions of Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista)

Zambales

Western portion of Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban)

Northwestern portion of Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca)

Matatandaan na kahapon hanggang kaninang madaling araw ay tumawid ang bagyong Karding sa Gitnang Luzon. RNT/JGC