Bagyong Karding, mas palalakasin pa ang habagat – PAGASA

Bagyong Karding, mas palalakasin pa ang habagat – PAGASA

August 8, 2018 @ 8:59 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na palalakasin ng bagyong Karding ang southwest monsoon o habagat na magiging dahilan ng pag-ulan sa bansa, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules (August 8).

Ayon sa advisory na inilabas ng PAGASA, alas-5 ng umaga, huling namataan ang bagyong Karding sa 1,150 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan dala ang hangin na 55 kilometer per hour (kph) at bugso na 65 kph.

Hindi tatama sa lupa ang bagyo at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes.

Magkakaroon ng maulap na may kalat kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Western Visayas.

Maulap na kalangitan naman ang mararanasan ng iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao na may manakanakang pag-ulan. Remate News Team