Bagyong Karding, super typhoon na

Bagyong Karding, super typhoon na

September 25, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naabot na ng Bagyong Karding ang Super Typhoon category sa huling ulat mula sa PAGASA.

Sa 8AM weather bulletin, mabilis na lumakas pa ito sa taglay na hangin na 185 kilometro kada oras at pagbugso na 230 kilometro kada oras.

Huli itong namataan sa layong 230 kilometro silangan ng Infanta, Quezon at kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Dahil dito ay itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal number 4 ang Polillo Islands.

Tropical Cyclone Wind Signal number 3 naman ang nakataas sa:

Central at Southern portion ng Aurora
Central at Southern portion ng Nueva Ecija
Bulacan
Eastern portion ng Pampanga
Northern portion ng Metro Manila
Northern portion ng Rizal
Northeastern portion ng Laguna
Northern portion ng Quezon
Northern portion ng Camarines Norte

Tropical Cyclone Wind Signal number 2 ang nakataas sa:

Southern portion ng Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Benguet
La Union
Pangasinan
Zambales
Bataan
Tarlac
rest of Pampanga
rest of Nueva Ecija
rest of Aurora
rest of Metro Manila
Cavite
Batangas
rest of Laguna
rest of Rizal
central portion of Quezon
rest of Camarines Norte
northern portion of Camarines Sur
Catanduanes

Samantala Tropical Cyclone Wind Signal number 1 naman ang nakataas sa:

Southern portion of Cagayan
Rest of Isabela
Southern portion of Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Southern portion of Ilocos Norte
Ilocos Sur
Rest of Quezon
Northern portion of Occidental Mindoro
Northern portion of Oriental Mindoro
Marinduque
Rest of Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Burias at Ticao Islands. RNT/JGC