Bagyong Maymay binabantayan ng NIA-MARIIS

Bagyong Maymay binabantayan ng NIA-MARIIS

October 11, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


RAMON, ISABELA- Bilang pagtugon sa direktiba ni NIA Administrator Benny D. Antiporda ay todo-bantay at nakahanda ngayon ang NIA-MARIIS sa Tropical Depression Maymay kung saan kasalukuyang nasa signal #1 ang lalawigan ng Isabela.

Pinangunahan NIA-MARIIS Department Manager Engr. Gileu Michael O. Dimoloy ang MARIIS Dam and Reservoir Division Command Center para personal na makita at masubaybayan ang TD Maymay.

Kasama ang DRD Manager Carlo C. Ablan, Section Heads Edwin Viernes, Erwin Remocal, Manuel A. Agonoy, at mga kawani ng Flood Forecasting and Instrumentation Section.

Nagpulong at pinagkasunduan nila ang mga kinakailangang hakbang parang mapaghandaan ang anumang maaring maidulot ng Tropical Depression Maymay sa pagmonitor sa Magat Dam.

Siniguro ng DRD Division Manager at ng mga kasama na ang mga kagamitan ng MARIIS-DRD ay nasa maayos at gumaganang kondisyon

Maging ang mga kawani ay laging handang mag-overtime para tutukan ang paggalaw ng TD Maymay na maaaring makaapekto sa operasyon ng Magat Dam and Reservoir.

Sa panayam ng REMATE kay Engr. Dimoloy ay wala pang bukas mula sa mga gate sa nasabing dam.

Paalala ng nasabing ahensya bagama’t mababa pa ang level ng tubig ay dapat na maging alerto at umiwas sa maaring pag-apaw ng tubig sa mga ilog. Rey Velasco