Bagyong nasa labas ng PAR, magpapaulan sa E. Visayas, Caraga, Davao Region

Bagyong nasa labas ng PAR, magpapaulan sa E. Visayas, Caraga, Davao Region

December 14, 2021 @ 7:02 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kahit nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), makapagpapaulan ang buntot ng binabantayang tropical storm sa ilang parte ng Pilipinas, Martes, ayon sa PAGASA.

Apektado ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region na makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat dahil sa buntot o through ng tropical storm.

Posible ang rumaragasang baha at pagguho ng lupa sa katamtaman na may bugsong malakas ng ulan, ayon pa sa weather bureau.

Sa pinakahuling pagtataya, bandang 3 am nang mamataan ang bagyo sa layong 1,380 kilometers east ng Mindanao na may dalang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at bugsong 105 kph habang tinatahak ang northwestward sa bilis na 30 kph.

Inaasahang papasok ito sa PAR ng Martes ng gabi at papangalanan namang bagyong “Odette”.

Maaaring mag-landfall si Odette sa Caraga o Eastern Visayas sa Huwebes. RNT