Bagyong Neneng lumakas pa

Bagyong Neneng lumakas pa

October 16, 2022 @ 12:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ang dalawang lugar dahil sa Severe Tropical Storm Neneng makaraang lumakas pa habang kumikilos pakanluran papalayo sa Babuyan Islands.

Huli itong namataan 115 kilometro kanluran hilaga-kanluran ng Calayan, Cagayan at may taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometro kada oras at pagbugso na 125 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west-northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa 11 a.m. weather bulletin nito kung saan nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

Southern portion of Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang), at
Babuyan Islands

Samantala, nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ang mga sumusunod:

Rest of Batanes
Rest of Cagayan
Apayao
Northern portion of Abra (Tineg, Lacub, Lagayan)
Ilocos Norte

At Signal No. 1 naman ang inilagay sa mga sumusunod na lugar:

Northern and central portions of Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan)
Kalinga
Rest of Abra
Mountain Province
Northern portion of Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue)
Northern and central portions of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz)

Inaasahan makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Babuyan Islands hanggang ngayong hapon.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na minsan ay may kalakasan ang mararanasan sa Batanes, northern portion ng Cagayan at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Ilocos Region. RNT/JGC