Bagyong Neneng nakalabas na ng PAR; VisMin uulanin pa rin

Bagyong Neneng nakalabas na ng PAR; VisMin uulanin pa rin

October 17, 2022 @ 6:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakalabas na si bagyong Neneng (international name: Nesat) ng area of responsibility ng Pilipinas, subalit magpapaulan pa rin ang trough nito sa bahagi ng Visayas at Mindanao regions.

Inihayag ng PAGASA na ang trough at ang convergence ng sirkulasyon ni Neneng sa southwesterly winds ay magdudulot ng occasional rains.

Inaasahan ito sa bahagi ng Visayas at MIMAROPA, kabilang ang northern at western portions ng Mindanao.

Subalit, ayon sa PAGASA, inalis na lahat ng tropical cyclone wind signals (storm signals).

Inaasahan naman ang “occasional gusts with a strength reaching strong breeze to near gale” sa western area ng Luzon at ng Visayas, at sa eastern part ng Central Luzon.

Lumabas si bagyong Neneng ng Philippine area of responsibility (PAR) alas-8 ng gabi nitong Linggo, at inaasahang magtutungo pakanluran sa West Philippine Sea hanggang ngayong umaga.

Liliko naman ito pa-west southwestward hanggang Miyerkules, at inaasahang lalakas pa, sa current maximum sustained winds na 120 kilometers per hour malapit sa sentro.

Iniwan ni bagyong Neneng ang ilang lugar na lubog sa baha at walang kuryente dahil sa malakas na ulan, at ilang daan at tulay din ang nananatiling hindi madaanan. RNT/SA