Bagyong Rosal, bumilis pa

Bagyong Rosal, bumilis pa

December 12, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumilis pa habang napanatili ang lakas ng Tropical Storm Rosal sa huling ulat ng PAGASA nitong Lunes, Disyembre 12.

Sa 11 a.m. bulletin, huling namataan ang bagyong Rosal 860 kilometro silangan ng extreme northern Luzon at kumikilos 25 kilometro kada oras sa direksyong east northeast sa Philippine Sea.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 105 kilometro kada oras.

Hindi na inaasahan na magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyong Rosal sa alinmang bahagi ng bansa ayon sa ahensya.

Wala na ring nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang probinsya.

Ayon sa PAGASA, naabot na ng tropical storm Rosal ang peak intensity nito at posibleng humina na pagsapit ng hapon o gabi.

“Rosal is forecast to become a remnant low [pressure area] tomorrow late evening or on Wednesday early morning before dissipating shortly thereafter.” RNT/JGC