Bagyong Rosal nasa Philippine Sea, magpapaulan sa Mimaropa

Bagyong Rosal nasa Philippine Sea, magpapaulan sa Mimaropa

December 11, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na binabagtas ng Tropical Depression Rosal ang Philippine Sea sa silangan ng Aurora.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa kanilang cyclone bulletin nitong Linggo, Disyembre 11.

Dahil dito ay makararanas ng mahina hanggang katamtaman na minsan ay may malakas na pag-ulan ang rehiyon ng Mimaropa.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Rosal 330 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 kilometro kada oras habang kumikilos sa direksyong hilaga, hilagang-silangan sa bilis na 20 kilometro kada oras. RNT/JGC