Baha sa Surigao del Sur humuhupa na

Baha sa Surigao del Sur humuhupa na

February 22, 2021 @ 10:23 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ilang residente na ng Surigao del Sur ang nagsisiuwian sa paghupa ng baha dahil sa tropical depression Auring.

Ayon kay Governor Ayec Pimentel, lumikas ang tinatayang 20,940 pamilya na nasa 394 evacuation center ng probinsya.

Lahad nito na unti-unti nang nagsisiuwian ang mga residente sa paghupa ng baha dulot ng pagbahang dulot ni Auring nitong weekend.

Dagdag pa ni Pimentel na bumubuti na ang panahon sa probinsya.

Lubog pa rin sa baha ang Tandag City.

Ayon pa sa gobernador na nasusunod naman ang health protocols sa ilang evacuation center ngunit ang ilan ay hindi naipapatupad.

Aniya, ilang evacuation center ang binaha rin.

Namahagi na rin ng tulong sa mga residenteng apektado ang lokal na pamahalaan.

Umapela naman ng tulong kay Pangulong Duterte si Pimentel para sa mga nabagyo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •