Bahagi ng Edsa isasailalim sa repair, reblocking mula Abril 9-12

Bahagi ng Edsa isasailalim sa repair, reblocking mula Abril 9-12

April 8, 2021 @ 8:00 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatakda ang reblocking at repair sa bahagi ng Edsa sa Metro Manila simula ngayong weekend.

Sa traffic advisory, inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisimula ang  DPWH road reblocking sa Biyernes,  Abril 9, 11 p.m. hanggang Abril 12.

Sakop ng reblocking ang kahabaan ng EDSA Muñoz sa harap ng East West Bank & Floor Center, Shell, Goodyear, Shell Select & SkyMart.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan ang naturang kalsada at gumamit ng alternatibong ruta. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •