Bahagi ng EDSA-Kamuning flyover, isasara

Bahagi ng EDSA-Kamuning flyover, isasara

June 25, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil ang southbound na bahagi ng EDSA-Kamuning flyover ay isasara sa loob ng 30 araw para sa pagsasaayos simula ngayong Sabado, Hunyo 25.

Ayon sa 24 Oras, magsisimula ang pagsasara ng alas 6 ng umaga ngayong Sabado. Bubuksan ang flyover sa Hulyo 24.

Sinabi ni Quezon City district engineer Eduardo Santos na kailangang isara ang tulay dahil mababawasan ng isang spot kaya maari itong humina.

“Babakalan namin, dadagdagan namin ng reinforcement at saka namin bubuhusan ng seven day concrete. Seven days before opening niya,” ani Santos.

Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang alternatibong ruta kabilang ang Samar Avenue at Scout Borromeo Street.

Sa alternatibong ruta, ang mga motorista ay dapat kumanan sa Scout Borromeo Street hanggang Scout Ybardolaza Street, papunta sa Judge Jimenez Street, dadaan sa E. Rodriguez, at pupunta sa New York Avenue hanggang EDSA.

Pinayuhan din ang mga motorista na iwasan ang bahagi ng EDSA Kamuning flyover gamit ang Mabuhay lanes. Jocelyn Tabangcura-Domenden