Bahagi ng highway sa Pagudpud, ‘di pa rin madaanan sa landslide

Bahagi ng highway sa Pagudpud, ‘di pa rin madaanan sa landslide

October 22, 2022 @ 11:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang bahagi ng national highway na sakop ng Barangay Pancian sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Ito ay dahil sa paulit-ulit na pagguho ng lupa o landslide na naitatala sa lugar.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), natabunan ng lupa mula sa gumuhong bahagi ng bundok ang kabuuan ng kalsada kung kaya’t imposible sa mga motorista ang makadaan dito.

Sa kasalukuyan ay hindi pa tiyak kung kailan ulit ito padadaanan lalo na sa mga pag-ulan na dulot naman ng bagyong Obet.

Ang naturang kalsada ang dinadaanan ng mga motorista na palabas at papasok ng Ilocos Norte sa hilagang bahagi ng lalawigan. RNT/JGC