Bahagi ng Imelda Bridge sa Ninoy Aquino Avenue sarado sa Oct. 10-Nov. 10

Bahagi ng Imelda Bridge sa Ninoy Aquino Avenue sarado sa Oct. 10-Nov. 10

October 11, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang isasara ang bahagi ng northbound outer lane ng Imelda Bridge na nag-uugnay sa Barangay La Huerta at Sto. Niño sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque City mula Oktubre 10 hanggang Nobyembre 10, 2022.

Mananatiling bukas ang isang lane upang madaanan ng mga motorista.

Sa abiso, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na isasara ang daan para sa casting ng concrete plinths at pedestals para sa pagkakabit ng riles at overhead catenary system ng Ninoy Aquino Station ng Light-Rail Transit (LRT) 1 Cavite Extension Project.

Inabisuhan din ang mga apektadong motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. RNT/SA