Bahagi ng Imelda Bridge sa Paranaque pansamantalang isasara simula bukas

Bahagi ng Imelda Bridge sa Paranaque pansamantalang isasara simula bukas

October 9, 2022 @ 12:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Simula bukas, Oktubre 10 ay pansamantalang isasara ng may nakatakdang oras ang bahagi ng northbound ng Imelda Bridge sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue na magtatagal ng hanggang Nobyembre 10.

Base sa opisyal na Facebook page ng Parañaque Traffic and Parking Management Office (TPMO), ipatutupad ang oras ng pagsasara ng kalsada sa nabanggit na lugar mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga na magtatagal ng isang buwan.

Ayon sa TPMO, ang pagsasara ang kalsada sa nabanggit na lugar ay upang mabigyan ng daan ang paglalagay ng riles at catenary system sa viaduct na nangangailangan sa pagsasagawa ng concrete plinths at pedestals para naman din sa konstruksyon ng LRT 1 Cavite Extension Project.

Sinabi din ng TPMO na magtatalaga sila ng karagdagang personnel pang maasistehan ang mga motorista gayundin ang pagmomonitor ng daloy ng trapiko sa nabanggit na mga lugar. James I. Catapusan