Bahagi ng Kalayaan, Scarborough Shoal ipinadedeklarang Marine Protected Area

Bahagi ng Kalayaan, Scarborough Shoal ipinadedeklarang Marine Protected Area

November 28, 2022 @ 2:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Para maiwasan na ang reclamation activities at poaching, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Palawan Rep. Eduard Hagedorn na nagsusulong na ideklarang Marine Protected Area (MPA) mula tatlong nautical miles ng Kalayaan island group at Scarborough Shoal.

Sa kanyang House Bill 6373, sinabi ni Hagedorn na ang kanyang panukala ay alinsunod sa 2016 UN Permanent Court of Arbitration ruling na nagtatakda na ang teritoryo ng Pilipinas ay 200 nautical miles mula territorial sea exclusive economic zone sa West Philippine Sea gayundin alinsunod sa Expanded National Integrated Protected Areas System law of 2018.

“The South China Sea, where the WPS is located, has high biological diversity and is, unfortunately, suffering significant environmental degradation due to overfishing, poaching, and landfilling or reclamation. For this reason, the establishment of MPA around the KIG and Scarborough Shoal is needed for environmental protection,” paliwanag ni Hagedorn.

Iginiit ni Hagedorn na ang pagdedeklara ng MPA ay makatutulong din para ipaalam sa ibang bansa na ang nasabing lugar ay nasa teritoryo ng Pilipinas.

“We must learn to cooperate as one region in the protection of our natural resources while we settle the territorial disputes in the West Philippine Sea. The protection of the rich marine resources and environment of the West Philippine Sea is a shared interest and responsibility of all adjoining states around the South China Sea which should be a guiding policy for all of us in the region,” giit pa ni Hagedorn.

“We all stand to gain or to lose depending on the outcome of our collective action. Through this bill, we hope that the Philippines can spark regional cooperation,”pagtatapos pa nito. Gail Mendoza