Bahagi ng Magallanes Interchange, sarado simula sa Lunes

Bahagi ng Magallanes Interchange, sarado simula sa Lunes

March 31, 2019 @ 11:25 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Simula sa Lunes, ika-1 ng Abril 2019, hindi na madadaanan ng mga sasakyan ang isang bahagi ng Magallanes Interchange, ayon sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.

Eksaktong alas-6 ng umaga sa Lunes, ang left-turning ramp sa Magallanes Interchange mula Manila patungong  EDSA northbound at Cubao ay isasara na.

Ayon sa MMDA, ang pagsasara ay parte ng ipatutupad ng ahensiyang traffic management plan para masolusyunan ang problema sa trapiko at aksidente sa kalsada.

“Based on the MMDA Traffic Engineering Center’s vehicular volume count, around 7,722 vehicles are traversing the interchange from Manila to EDSA Northbound while 19,304 vehicles traverse from EDSA to Nichols (South Superhighway) that crisscross in the  said portion, causing traffic gridlock and accidents,” anang MMDA.

“MMDA’s Road Safety Unit also recorded 360 road crash incidents in 2017 and 292 road crash incidents in 2018 along Magallanes Interchange.”

Ang motoristang magmumula sa Manila at patungong EDSA northbound at Cubao ay inaabisuhang gamitin ang Magallanes Loop/Magallanes Village o Nichols Interchange, ayon sa MMDA./Remate News Team