Bahagi ng Makati, Antipolo mawawalan ng tubig sa Dec. 13-15

Bahagi ng Makati, Antipolo mawawalan ng tubig sa Dec. 13-15

December 13, 2022 @ 5:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Manila Water Company (Manila Water) ang panibagong yugto ng pagkawala ng tubig dahil sa service improvement activities nito sa ilang bahagi ng Makati City at Antipolo City, Rizal mula Dec. 13 hanggang 15.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Barangay Valenzuela sa Makati City, partikular sa Obrero corner Teresa na mawawalan ng tubig mula alas-10 ng gabi sa Dec. 13 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 14 dahil sa leak repair.

Gayundin, mawawalan ng tubig sa bahagi ng Barangay San Luis (Town & Country Homes Phase 1 and Phase 2) sa Antipolo City, Rizal, partikular sa Town & Country Phase 1 dahil sa line maintenance.

Kabilang din sa mga mawawalan ng serbisyo ng tubig ang bahagi ng Barangay Carmona sa Makati City mula alas-10 ng gabi sa Dec. 14 hanggang alas-3 ng umaga sa Dec. 15, partikular sa AP Reyes corner Carmona Complex, kung saan magsasagwa ng pipe realignment.

Nag-abiso naman ang water company sa mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig dahil sa service improvement activity.

Pinaalalahanan din nito ang mga apektadong kustomer na hayaan munang dumaloy ang tubig nang ilang minuto hanggang maging malinaw ito.

Para sa mga update at concern, maaaring tawagan ang Manila Water sa Customer Care Hotline nito: 1627. RNT/SA