Bahagi ng Mandaluyong, QC, Antipolo mawawalan ng tubig sa Dec. 1-2

Bahagi ng Mandaluyong, QC, Antipolo mawawalan ng tubig sa Dec. 1-2

November 29, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mawawalan ng tubig sa bahagi ng Mandaluyong City, Quezon City at Antipolo City mula Dec. 1-2 sa nakatakdang service improvement activities ng Manila Water Company (Manila Water).

Nag-abiso ang Manila Water na kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Barangay Hulo (Purok 32-38 and Purok 48-60) sa Mandaluyong City mula alas-10 ng gabi sa Dec. 1 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Dec. 2, partikular na sa kahabaan ng F. Blumentritt St. para sa line maintenance.

Mula alas-10 ng gabi sa Dec. 1 hanggang alas-4 sa Dec. 2, magsasagawa naman ng pagsasaayos ng linya sa Barangays Nayong Kanluran, Paltok at Sta. Cruz, partikular na sa Del Monte Avenue corner West Avenue; Barangay Matandang Balara, partikular sa Vista Real Classica Subdivision; Barangays Ugong at Ugong Norte, sa Quezon City, partikular sa White Plains corner Temple Drive.

Maapektuhan din ang bahagi ng Barangay San Isidro, partikular sa NHA Avenue, Sitio Phase 2 Bagong Nayon II; bahagi ng Barangay Dela Paz, parrtikular sa NHA Avenue, Sitio Lucban Phase 5, sa Antipolo City, Rizal province ng water interruption para sa line meter replacement.

Nag-abisp naman ang water company sa mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig sa nasabing service improvement activity.

Nagpaalala rin ito sa apektadong customers na kapag naibalik na ang serbisyo ng tubig, magsagawa ng flushing sa loob ng ilang minuto hanggang maging malinaw ito.

Para sa mga update at concern, maaaring tumawag sa Customer Care Hotline ng Manila Water: 1627. RNT/SA