Bahagi ng NCR, Cavite #WalangTubig ‘gang March 21

Bahagi ng NCR, Cavite #WalangTubig ‘gang March 21

March 18, 2023 @ 3:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang kustomer ng Maynilad Water Services sa National Capital Region (NCR) at Cavite ng daily water service interruption hanggang March 21.

Ito ay dahil sa “due to prolonged high raw water turbidity brought on by Amihan winds,” anang kompanya sa abiso nito sa social media. 

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Las Piñas City, Muntinlupa City at Parañaque City sa NCR, maging Bacoor City, Cavite City, Imus City, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

Naka-post ang listahan ng mga apektadong barangay sa Facebook account ng kompanya.

Nag-abiso naman ang Maynilad sa customers nito na mag-imbak ng tubig.

“Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” anito.

Sinabi rin ng kompanya na lumilibot ang mobile water tankers sa mga apektadong lugar para maghatid ng potable water, habang nakatalaga naman ang stationary water tanks sa ilang lugar. RNT/SA