Bahagi ng NCR, Kabite mawawalan ng tubig sa Dec. 12-18

Bahagi ng NCR, Kabite mawawalan ng tubig sa Dec. 12-18

December 10, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mawawalan ng tubig ang ilang parte ng National Capital Region (NCR) at lalawigan ng Cavite sa scheduled water interruption ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) dahil sa network maintenance mula Dec. 12 hanggang 18.

Sa abiso, sinabi ng Maynilad ang maintenance activities ay bahagi ng pagsisikap upang pagbutihin ang water services sa West Zone.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangays Tanza 1 at Tanza 2 sa Imus City, Cavite mula alas-10 ng gabi sa Dec. 12 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 13, partikular sa Dahlia Capt. Cruz.

Mula alas-10 ng gabi sa Dec. 13 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 14, makararanas sa Barangays 8 at 12 sa Caloocan City, partikular sa Alimasag (Pagui-Kanduli); Barangay Buhay na Tubig sa Imus City, Cavite, partikular sa Buhay na Tubig malapit sa Sheltertown ng water interruption.

Mula alas-10 ng gabi sa Dec. 13 hanggang alas-6 ng umaga sa Dec. 14, mawawalan naman ng tubig sa Barangays Bungad, Paltok at San Antonio, partikular sa Roosevelt corner M. H. Del Pilar; Barangays A. Samson, Balingasa, Dona Imelda Marcos at Manresa, partikular saToctokan corner Ventura; Quezon City.

Mula alas-10 ng gabi sa Dec. 14 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 15, maaantala ang serbisyo ng tubig sa Barangay 141 sa Caloocan City, partikular sa Pag-asa Street corner Progresso Street; at Barangays Nova Proper, San Agustin at Sta. Monica sa Quezon City, partikular sa Susano corner Gen. Luis.

Kabilang din sa Maynilad maintenance work mula alas-10 ng gabi sa Dec. 15 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 16 ang mga sumusunod:

Barangays 103, 106, 107 at 109, partikular sa Rizal Avenue corner 7th Avenue; Barangays 95 at 99, partikular sa A. Mariano corner Edsa, Barangays 86, 88 and 90, partikular sa 11th Avenue corner Rizal Avenue, Barangay 149, partikular sa Kaganapan corner Milagrosa; sa Caloocan City;

Barangays Palico I at Palico II sa Imus City, partikular sa KM 19, Aguinaldo Highway malapit sa LTO Imus, Palico IV; at Barangay Malagasang II-G sa Imus City, partikular sa Marycris Complex Main Road, malapit sa Durian Street, Barangays Molino II at Molino III, sa Bacoor City, partikular sa Molino Road, corner Molino Boulevard malapit sa harap ng Mang Inasal; sa Cavite;

Barangays San Isidro Galas at Santo Nino sa Quezon City mula alas-10 ng gabi sa Dec. 15 hanggang alas-6 ng umaga sa Dec. 16, partikular sa Luzon corner Bayani.

Mula alas-10 ng gabi sa Dec. 16 hanggang alas-4 ng umaga sa Dec. 17, Barangays 36, 37, 38 at 43 sa Caloocan City, partikular sa 4th Avenue corner D. Aquino corner Nadurata; Barangays Niog II at Niog III in Bacoor City, partikular sa Niog Interior malapit sa  Molino Boulevard Niog II.

Barangay San Bartolome, partikular sa PDC corner Atlas-Maries; at Barangays Narkaisang Nayon at San Bartolome, partikular sa Magsaysay corner PDC, sa Quezon City, mula alas-10 ng gabi sa Dec. 16 hanggang alas-6 ng umaga sa Dec. 17.

Barangay Nagkaisang Nayon, partikular sa Pasacola at Barangay Gulod, partikular sa Quirino, mula alas-10 ng gabi sa Dec. 17 hanggang alas-6 ng umaga sa Dec. 18. RNT/SA