Bahagi ng QC, Caloocan, Valenzuela mawawalan ng tubig ‘gang Pebrero 6

Bahagi ng QC, Caloocan, Valenzuela mawawalan ng tubig ‘gang Pebrero 6

January 29, 2023 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, Caloocan at Valenzuela dahil sa network maintenance simula Enero 29 hanggang Pebrero 6.

Sa abiso, ang maintenance activities ay para sa pagpapabuti pa ng serbisyo ng tubig sa West Zone.

Sa Quezon City, ang mga apektadong lugar na mawawalan ng tubig mula alas-10 ng gabi ng Enero 29 hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 30 ay ang Barangay Sangandaan, partikular sa Benefits corner Claims at Engineering corner Premium.

Sa Caloocan City naman, mawawalan din ng tubig simula alas-11 ng gabi ng Enero 30 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Enero 31 sa mga Barangay 93, 97, 98, 101 to 105, 107, 108 at 121, partikular sa 8th Street corner 7th Avenue.

Ganoon din sa Barangays 22, 24, 27, 28 at 31 na maaapektuhan mula alas-11 ng gabi ng Enero 31 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Pebrero 1.

Apektado rin ng pagkawala ng suplay ng tubig ang Barangays 92, 94 hanggang 100 mula alas-10 ng gabi ng Pebrero 1 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Pebrero 2 partikular sa Dimasalang corner A. Mabini (North).

Maaapektuhan din ng water interruption ang Barangay 86, 88, 90, 91, 152 at 153 mula alas-11 ng gabi ng Pebrero 3 hanggang alas-4 ng umaga ng Pebrero 4 partikular sa B. Serrano corner EDSA at Intan corner Milagrosa.

Sa Valenzuela City, ang mga apektadong lugar na mawawalan ng tubig mula alas-9 ng gabi ng Enero 31 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 1 ay ang Barangays Gen. T. De Leon, Mapulang Lupa at Ugong, partikular sa S. Feliciano Street at CF Natividad Street.

Apektado rin ng water interruption sa Quezon City naman mula alas-10 ng gabi ng Enero 31 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 1 ang
Barangay Dona Imelda, partikular sa Baloy corner Araneta at Landargun corner Araneta.

Likewise, Barangays Salvacion and San Isidro, specifically in Don Manuel corner Baco.

From 10 p.m. of Feb. 1 to 6 a.m. of Feb. 2, the affected areas are Barangay San Bartolome, particularly in Goodwill-1 and Barangay Sauyo, particularly in Sampaguita corner Sauyo.

Mula alas-10 ng gabi ng Pebrero 2 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 3, mawawalan din ng tubig ang Barangays Damayan at Del Monte kasama ang Barangays Bungad at Veterans Village.

Mula alas-10 ng gabi ng Pebrero 3 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 4, ang mga apektadong lugar ay ang Barangays Gulod at Sta. Monica, partikular sa Aguardiente ganoon din ang Barangay Bahay Toro, partikular sa Congressional corner Ayshire.

Mawawalan din ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Pebrero 4 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 5 ang Barangays Nagkaisang Nayon at Nova Proper, partikular sa Gen. Luis corner Villa Nova; at Barangay Bahay Toro, sa Congressional corner Spring Drive (West).

Panghuli, mula alas-10 ng gabi ng Pebrero 5 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 6, mawawalan ng tubig ang Barangay Bahay Toro, at Barangay Apolonio Samson.

Inaabisuhan ang mga apektadong customers na mag-ipon na ng tubig. RNT/JGC