Bahagi ng Rizal, mawawalan ng tubig sa Feb. 9-11 – Manila Water

Bahagi ng Rizal, mawawalan ng tubig sa Feb. 9-11 – Manila Water

February 9, 2023 @ 4:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Makararanas ang bahagi ng Taytay, Angono, at Binangonan sa Rizal Province ng hanggang anim na oras na water service interruption mula alas-10 ng gabi sa Feb. 9.

Sa water service advisory ng Manila Water, inanunsyo ng water concessionaire announced na mawawalan ng tubig sa bahagi ng Barangay San Juan sa Taytay simula alas-10 ng gabi sa Feb. 9, Huwebes, hanggang alas-4 ng madaling araw sa Biyernes, Feb. 10.

Magreresulta ang pipe maintenance works ng Manila Water personnel sa Summerfield Villas area sa Barangay San Juan, Taytay, sa kawalan ng tubig.

Simula alas-11 ng gabi sa Feb. 9, magsasagawa rin ng scheduled line meter replacement works ang Manila Water sa Valle Street, Jupiter Street, at Javier Compound, sa Taytay, na magreresulta sa water service interruption hanggang alas-5 ng umaga sa Feb. 10.

Sa Angono, magkakaroon naman ng line replacement activity ang Manila Water sa San Lorenzo Ruiz  sa harap ng McDonald’s Angono na magreresulta sa water service disruption sa Feb. 9 simula alas-10 ng gabi sa bahagi ng Barangay Kalayaan. Nakatakdang ibalik ang water service pagsapit ng alas-4 ng madaling araw sa Feb. 10.

Sa Binangonan, inaasahang magsisimula ang scheduled water service interruption dakong alas-10 ng gabi sa Feb. 10 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Feb. 11, Sabado, sa bahagi ng Barangay Pantok at Barangay Bilibiran. RNT/SA