Bahagi ng Roxas Blvd. isasara sa Hunyo 12

Bahagi ng Roxas Blvd. isasara sa Hunyo 12

June 11, 2022 @ 9:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inabisuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang rutadahil isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard sa Manila sa darating na Linggo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.

Magkakaroon ng partial road closure upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach, at pagpapasinaya sa World War II Heritage Cannon.

Isasara ang kahabaan ng Roxas Boulevard southbound at northbound mula Katigbak Drive patungong TM Kalaw simula alas-6 ng umaga para sa selebrasyon ng ika-124 Araw ng Kalayaan, base sa MMDA.

Maaaring dumaan ang mga motorista sa mga sumusunod na ruta:

Light vehicles mula Bonifacio Drive na dadaan sa Roxas Boulevard southbound:

Left to P. Burgos

Right to Ma. Orosa

Right to TM Kalaw

Left to MH Del Pilar or use Taft Avenue to point of destination

Truck at trailer trucksna dadaan sa Roxas Boulevard southbound:

Left to P. Burgos

Right to Finance Road to point of destination (truck route)

 Light vehicles na dadaan sa Roxas Boulevard northbound:

Right to TM Kalaw

Left to Ma. Orosa

Left to P. Burgos to point of destination

Trucks and trailer trucks na dadaan sa Roxas Boulevard northbound:

Right to Pres. Quirino Ave.

Left to Plaza Dilao to point of destination (truck route)

Samantala, simula alas-3 ng hapon, isasara ang kahabaan ng Roxas Boulevard southbound at northbound mula TM Kalaw Street patungo sa President Quirino Avenue para sa muling pagbubukas ng dolomite beach at pagpapasinaya sa heritage cannon. RNT/SA