Bahagi ng Roxas Blvd sarado sa mga motorista mula Enero 15

Bahagi ng Roxas Blvd sarado sa mga motorista mula Enero 15

January 15, 2022 @ 11:40 AM 4 days ago


Manila, Philippines – Isinara na ang southbound lane ng Roxas Boulevard sa motorista mula kaninang alas-6 ng umaga, Enero 15, 2022.

Ito ay upang bigyan ng daan ang pagpapagawa ng box culvert.

Ilan naman sa apektado nito ay ang harapan ng HK Sun Plaza sa Pasay City hanggang EDSA-Roxas Boulevard flyover.

Base sa Department of Public Works and Highways (DPWH), tatagal ito ng hanggang 60 araw.

Inabisuhan naman ang mga motorista na daanan ang mga sumusunod na alternatibong ruta:

– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard, dumaan sa Roxas Boulevard – Buendia Avenue service road, kumanan sa Buendia Avenue Extension at kumaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard papuntang destinasyon.

– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard kumanan sa H.K. Sun Plaza access road at kumaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard papuntang destinasyon.

– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard, kakaliwa sa President Quirino Avenue patungong destinasyon.

Samantala, ang mga mabibigat na sa sasakyan ay pinadadaan sa ibang ruta.

Maaari itong kumaliwa sa P. Burgos Avenue, dumiretso sa Finance Road and Ayala Boulevard, kumanan sa San Marcelino Street, at dumaan sa P. Quirino Avenue patungong South Luzon Expressway at sa pupuntahan nito. RNT/FGDC