Bahagi ng SSS main building sa QC nagliyab!

Bahagi ng SSS main building sa QC nagliyab!

August 28, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasunog ang bahagi ng Social Security System (SSS) main office building sa East Avenue sa Quezon City nitong Linggo.

Batay sa ulat, nagliyab ang bahagi ng SSS data center sa ground floor ng main building kaninang alas-2:05 ng madaling araw, at idineklara ng mga bumbero ang fire-out call pagsapit ng alas-5 ng umaga.

Umabot lamang sa fire only ang sunog, base pa sa ulat.

Ayon sa arson investigators, nagsimula ang sunog sa electrical room ng data center.

Sinusuri pa ng fire investigators kung apektado rin ng insidente ang ibang silid. RNT/SA