Bahagi ng Wawa Bridge, bumagsak!

Bahagi ng Wawa Bridge, bumagsak!

October 20, 2022 @ 5:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Gumuho ang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, Bayambang Pangasinan.

Batay sa Facebook post ni Mayor Nina Jose-Quiambao, bandang alas-3:37 ng hapon nitong Huwebes nang mag-collapse ang parte ng tulay, kung saan nadamay ang dalawang truck.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima at ligtas na sa kasalukuyan.

Patuloy ang koordinasyon ng DPWH at iba pang mga opisina ukol sa insidente.

Pinayuhan naman ang mga pupunta sa Bayambang na dumaan sa alternatibong ruta. RNT/SA