Bahagyang paghihigpit sa lansangan, asahan – NCRPO

Bahagyang paghihigpit sa lansangan, asahan – NCRPO

June 23, 2022 @ 5:00 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Nagpaalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na asahan na ang bahagyang paghihigpit sa mga lansangan ng mag nagpapatrolyang kapulisan kaugnay sa pagsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force at Department of Health.

Ito ay sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ang paalala ay ginawa ni NCRPO director Maj. Gen. Felipe Natividad , matapos ilabas ng DOH ang kamakailangang datos na nagpapakita na ang kaso ng COVID-19 mula June13-19 ay 3,051 na 82 porsyentong mataas kumpara sa nagdaang linggo.

Sinabi nitong Miyerkukes ng OCTA Research na ang positivity rate sa bansa ay nasa 5.5 porsyento na Kung saan napagpasan ang World Health Organization (WHO) threshold Ng limang porsyento .

Ang naturang pagtaas ay natulak sa mga awtoridad sa kalusogan upang bigyan babala tungkol sa posibilidad ng isa pang pagdagsa ng mga impeksyon, na pinalakas ng mga nakakahawang subvariant ng Omicron.

“Metro Manila recorded the most cases in the past two weeks. May this serve as a wake up call to our fellowmen to be careful and mindful with their actions. We have sacrificed a lot to prevent the contraction and contagion of the virus but we plead for our people to sacrifice some more,” ani Natividad .

Sinabi rin ng hepe ng NCRPO na pinaalalahanan nila ang Metro Manila police commanders na suriin ang kondisyon ng kalusugan ng kanilang mga tauhan at tiyaking sinusunod nila ang minimum na pamantayan sa kalusugan sa loob at labas ng kanilang tungkulin.

Ang Metro Manila ay nananatiling nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1, na siyang pinakamababa sa ilalim ng klasipikasyon ng IATF.

Gayunman, binanggit ng DOH noong Hunyo 13 ang posibilidad na isailalim sa Alert Level 2 ang capital region dahil sa nasabing spike. Jocelyn Tabangcura-Domenden