Bahagyang pagtaas sa COVID positivity rate, ‘di nakababahala – Solante

Bahagyang pagtaas sa COVID positivity rate, ‘di nakababahala – Solante

January 30, 2023 @ 4:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umano dapat mabahala ang publiko sa bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19.

Ito ay dahil sa nananatiling mababa ang admission sa severe at critical cases sa mga ospital, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante nitong Lunes, Enero 30.

Sa ulat kasi ng OCTA Research, bahagyang tumaas sa 2.4% nitong Enero 27 ang positivity rate sa NCR mula sa 2.0% noong Enero 26.

“For so many months now, most of the hospitals are low in terms of occupancy dito sa mga severe COVID and ‘yun naman ang maganda dito dahil even if the cases are going up, most of the time, mababa pa rin ang hospitalization occupancy rate especially sa mga critical COVID cases,” pagbabahagi ni Solante sa panayam ng DZBB.

“Ang implikasyon, mataas ang hawaan pero mababa ang nag-develop ng severe COVID,” dagdag niya.

Sa kabila nito, ipinaliwanag naman ni Solante na posibleng nangangahulugan din ng bagong variant o Omicron subvariant kung muling tataas ang kaso ng COVID-19 kaya mahalaga pa rin ang monitoring sa lahat ng mga papasok sa bansa.

“Nandito pa rin tayo sa pandemic. Nandito pa rin ‘yung COVID. And especially, the COVID virus has totally mutated to a more highly transmissible virus. Nandito pa rin tayo sa stage na hindi dapat tayo kumpiyansa,” ani Solante. RNT/JGC