Bahay, condo mabibili na sa GCash

Bahay, condo mabibili na sa GCash

October 3, 2022 @ 7:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posible nang makapili, makapag-inquire at makabili ng bahay o condominium unit ang mga mobile users sa pamamagitan ng GCash.

Ito ay makaraan makipagtulungan ang kilalang mobile wallet sa Ayala Land Inc bilang tulong sa mga nais makapag-invest sa real estate sa pamamagitan lamang ng kanilang cellphone.

Ayon sa GCash, ang mga Ayala properties ay maaari nang makita sa GLife feature ng naturang application kabilang ang Ayala Land Premier, Alveo, Avida at Amaia.

“With this partnership with Ayala Land, GCash enables potential homeowners and property seekers to conduct virtual unit viewing and, after they make the decision to buy a property, access cashless payment of reservation fees using their e-wallet account,” ani GCash president at CEO Martha Sazon.

Maaari rin na makapag-inquire ang sinuman naghahanap ng ari-arian sa pamamagitan ng “inquiry” button sa application.

Sa pamamagitan nito ay mas mapapadali na ang pagpasok sa real estate.

“They can conveniently and safely do just all these transactions using their smartphones and via GLife on the GCash app,” ani Sazon. RNT/JGC