Bahay naputulan ng kuryente, mister nag-suicide

Bahay naputulan ng kuryente, mister nag-suicide

September 25, 2020 @ 4:59 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Butuan, Philippines – Dahil sa nagkapatong-patong na problema at dumagdag pa ang pagkakaputol ng kuryente sa kanilang bahay na hindi mabayaran, isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Pepito Deguito, 56, residente ng Purok 4, Brgy. Taligaman, Butuan City.

Batay sa report ng Butuan City Police Station 4, dakong 6:00 p.m. kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanyang bahay.

Kuwento ng anak ng biktima, pumunta siya sa bahay ng ama para dalawin nang bumulaga sa kanya na nakabigti na ito at wala nang buhay.

Sinabi pa niya na nagkaproblema ang ama simula nang mawalan ng trabaho hanggang sa naputulan pa sila ng kuryente sa bahay. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...