Bahay ng mag-asawa, pinagnakawan, mister pinatay

Bahay ng mag-asawa, pinagnakawan, mister pinatay

June 1, 2021 @ 7:34 PM 2 years ago


CAVITE, Philippines – Pinagnakawan na, binaril pa sa harapan ng asawa’t anak ang isang  mister na dating taxi driver ng dalawang di nakilalang mga  suspek sa loob ng kanilang bahay sa Kawit, Cavite .

Base sa report ,Idineklarang dead on arrival sa Kawit  Kalayaan Hospital ang biktimang si Esmeraldo Cuson Mateo ng Toclong Raod, Brgy Tabon 1, Kawit, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ayon sa salaysay nagbigay ng pagkakalianlan  ng suspek ang. kaanak ng  napatay na biktima ,na may taas sa pagitan ng 5”2 hanggang 5”5, katamtaman ang panganagtawan at armado ng din di nabatid na kalibre ng baril na tumakas mataps=o sang insidente.

Sa ulat ni Police Major Joel Palmares, Hepe ng Kawit Municpal Police Station, , dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa bahay ng biktima kung saan kumatok umano ang mga suspek sa pintuan ng biktima at nang buksan nito ay puwersahang pumasok ang dalawang suspek , tinutukan ang biktima  habang katabi ang kanyang asawa at 3-anyos nilang anak.

Tinalian ang Padre de pamilya  saka sinabihan na magbigay ng pera.

“Nagbigay ng P50,000 cash ang misis ng biktima, pero tila alam na may itinatago pang pera at pinapalabas pa” ayon kay Palmares.

Nang hindi na nagbigay, hinalughig  ng suspek ang kabahayan kung saan tinangay ang cellphone isang laptopat  at di nabatid na halaga at bago umalis saka binaril ang biktima. .

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Centenial Highway sa Barangay Tabon.

Ayon kay Palmares, tila alam ng mga suspek na may itinatagong pera ang mag-asawa, na kapwa nagbebenta ng bahay at lupa matapos na tumigil ang biktima sa pagmamaneho ng kanyang taxi nitng pandemiya

Nabatid pa na tatlong buwan pa lamang ang mag-asawa sa nabiing bahay sa lugar.

Hawak na rin ng pulisya ang Closed Circuit television (CCTV) habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. MARGIE BAUTISTA