Bahay ng tserman grinanada

Bahay ng tserman grinanada

May 17, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


SULTAN KUDARAT- NABALOT ng takot ang mga residente matapos sumiklab ang malakas na pagsabog matapos hagisan ng granada ang bahay ng isang barangay chairman Linggo sa bayang ito.

Ayon kay Lt. Col. Sabri Lakibul, hepe ng Sultan Kudarat municipal police Station, gabi ng Linggo ng biglang may malakas na pagsabog sa loob ng residential compound na tinitirhan ni Barangay chairman Guiaber Dalindingan, ng Barangay Crossing Simuay, ng nasabing bayan.

Samantala, bago ang pagsabog sa Sultan Kudarat, pinasabugan din ng granada ang isang residential compound sa Barangay Danugan, Pualas, Lanao del Sur kung saan nakatira ang nanalong alkalde ng naturang bayan na si Amanodin Ducol.

Parehong walang nasugatan sa naganap na magkasunod na pagsabog subalit nagdulot ito ng takot at trauma sa mga residente.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang tunay motibo sa pagpapasabog at pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na nakatakas matapos ang insidente./Mary Anne Sapico